Pangulong Duterte, nagbabala laban sa mga hukuman at mga hukom kaugnay ng direktibang ipagbawal ang vaping

by Erika Endraca | November 21, 2019 (Thursday) | 10661

METRO MANILA – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang direktiba sa mga tauhan ng pulisya at maging mga militar na arestuhin ang sinomang naninigarilyo at gagamit ng Vape sa publiko at kumpiskahin ang kanilang vaping device.

Kaalinsabay nito, sinabi ng Punong Ehekutibo na ayaw niyang ang sinoman ay mag-vape sa Pilipinas. Nagbabala rin siya sa mga hukom na wag hadlangan ang kaniyang pinakahuling direktiba. Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan ang pagdiriwang ng Ika-80 anibersaryo ng Department of National Defense sa Camp Aguinaldo Kagabi (Nov. 20).

“And I’m asking the judiciary. Any judge. I’m addresi — asking myself to the supreme court. I’m here, I’m having a hard time controlling crime and you know all sorts of toxic materials being imbibe by the young. And there are some importations now. And if they are not allowed, they go to the judges. Judges, I know that you can determine whether a vaping is good or not. But unfortunately, also your indolence does not inspire confidence. Takes you too long to decide and so do not interfere in this” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman wala pa siyang executive order na inilalabas hinggil dito, may matibay naman aniya siyang batayan upang tuluyang i-ban ang vaping.

(Rosalie Coz | UNTV News)


Tags: ,