Pangulong Duterte, nagbabala laban sa mga ahensya ng pamahalaang may pinakamaraming red tape related report

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 2817

(File photo from Asec. Mocha Uson FB Page)

Hindi pumalya si Pangulong Rodrigo Duterte na banggitin ang kaniyang nagpapatuloy na kampanya kontra katiwalian sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ngayon, nagbigay ng panibagong babala ang punong ehekutibo laban sa mga ahensya ng pamahalaang hindi susunod sa polisiya ng gobyernong gawing mas madali at simple ang pagnenegosyo sa bansa.

Partikular na tinutukoy niya aniya ang mga nasa ilalim ng executive branch.

Inatasan niya rin ang lahat ng lokal na pamahalaang sundin ang batas sa ease of doing business at gawing simple ang proseso.

Samantala, may mensahe naman ito sa kaniyang mga tagasuporta at kaibigan na itinalaga sa pwesto sa pamahalaan.

Aniya, bagama’t malaki ang kanyang tiwala sa mga ito, hindi siya magdadalawang isip na tanggalin ang sinoman sa posisyon kung mapapatunayang dawit sa katiwalian.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,