Pangulong Duterte, muling tinuligsa ang Simbahang Katoliko kaugnay sa isyu ng korapsyon

by Radyo La Verdad | January 25, 2017 (Wednesday) | 3057

PRES.DUTERTE
Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa harap ng mga kaanak ng apatnapu’t apat na SAF Commandos na nasawi sa Mamasapano operation noong January 25, 2015, muli nitong tinuligsa ang Simbahang Katoliko na isa sa mga pangunahing kritiko ng kasalukuyang administrasyon sa kampanya kontra illegal drugs.

Kinastigo ng pangulo ang simbahan sa umano’y paghuhugas kamay nito at sinabing maging ang mga paring Katoliko ay nagkakasala rin.

Hinikayat ng punong ehekutibo ang publiko na basahin ang librong “Altar of Secrets” na isinulat ni Aries Rufo.

Naungkat din ang kinasangkutang “Pajero Scandal” ng ilang Catholic bishops noong 2011.

Hinamon naman ni Pangulong Duterte ang buong Catholic Bishop’s Conference na mag-resign dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon sa pangulo, magbibitiw din siya sa pwesto kapag ginawa ito ng mga obispo.

(UNTV News)

Tags: ,