Walang kagatol-gatol na sinagot ni Pangulong Duterte ang mga kritisismo na ipinupukol sa kaniya hinggil sa “stupid god” na komentaryo nito sa Simbahang Katolika noong Biyernes sa Davao City.
Sa kaniyang talumpati sa Cagayan de Oro City kagabi, nilinaw nito ang pinanggalingan ng kaniyang banat sa doktrina ng Iglesia Katolika Apostolika Romana.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang kalayaan niyang maniwala sa dios na kaniyang kinikilala na taliwas sa itinuturo ng simbahan.
Sa isang pahayag naman ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, sinabi nito na hindi lisensya sa pang-iinsulto ng pananampalatayang Katoliko ang ‘di pagsang-ayon sa paniniwala nito.
Sana rin aniya ay igalang ng Pangulo ang mga Katoliko gaya ng paggalang ng mga ito sa tungkulin ng Pangulo.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )