Pangulong Duterte, muling magsasalita sa publiko hinggil sa COVID-19 response ng pamahalaan mamayang gabi (July 7)

by Erika Endraca | July 7, 2020 (Tuesday) | 707

METRO MANILA – Nasa Davao City pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw (July 7).

Mamayang gabi, inaasahang magbibigay ng kaniyang talumpati ang punong ehekutibo mula sa kaniyang hometown upang i-update ang publiko sa ginagawang pagresponde ng pamahalaan kontra Coronavirus Disease.

Kasunod ito ng record-high na new COVID-19 cases na 2,434 noong Linggo (July 5).

Binanggit ng palasyo na may remote possibility na maibalik na muli sa mas mahigpit na quarantine measures ang kung ma-overwhelmed ang critical care capacity sa rehiyon at higit na bumilis ang doubling rate ng Coronavirus Disease.

“Pero ang sabi nga po ng economic managers, and they have gone public, we cannot afford another complete lockdown. Kaya nga po panawagan natin, labanan po natin ang COVID-19 sa pamamagitan ng nakikita ninyo sa entablado po natin ngayon. “ ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Bumiyahe sa Mindanao ang Pangulo noong biyernes upang kausapin ng bukod ang mga tropa ng militar at mga top officers sa zamboanga peninsula, sulu at mga kalapit probinsya.

Hinggil ito sa nangyaring shooting incident na kinasasangkutan ng siyam na pulis at ikinasawi ng apat na army soldiers.

Tiniyak naman ng palasyo na walang kaugnayan sa kalusugan ng pangulo ang kapansin-pansing katamlayan nito at panginginig ng boses.

Bagkus, emotional ang punong ehekutibo dahil sa nangyaring shooting incident.

“Noon ko lang po nakita na talagang napakalungkot ng ating pxxxresident, para siyang ama na namatayan ng mga anak dahil nag-away-away. Talagan emotional po siya at some point nagka-crack po ang kaniyang voice, noon ko lang po nakita na he took it very personal itong nangyari sa Jolo “ ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: