Pangulong Duterte, muling binatikos si Human Rights Chair. Chito Gascon

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 1746

Muling kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y “selective” na paraan ng Commission on Human Rights o CHR sa pag-iimbestiga sa mga pag-abuso sa karapatang-pantao sa ilalim ng pamumuno ng chairman nito na si Chito Gascon.

Bakit aniya tila nakatutok lamang si Gascon sa insidente ng pagpaslang sa mga lalaking kabataan. Tahasang sinabi ng Pangulo na tagapagsalita ng oposisyon si Gascon na ibig patalsikin siya sa pwesto.

Hindi rin aniya nito iniimbestigihan ang iba pang aniya’y mas matinding paglabag sa karapatang pantao tulad ng terorismo sa Marawi City at ang mga krimeng ginagawa ng mga gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Lalong umigting ang pag-tuligsa ng iba’t-ibang mga grupo sa war on drugs ng pamahalaan sa magkasunod na pagkasawi ni Kian Delos Santos at si Carl Arnaiz sa kamay ng mga pulis.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,