Pangulong Duterte, most trusted government official sa bansa batay sa Pulse Asia Survey

by Radyo La Verdad | January 10, 2017 (Tuesday) | 1188

pres-duterte
Nananatili pa ring may pinakamataas na trust ratings si Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga national government official batay sa pinakahuling Pulse Asia Survey.

Karamihan sa mga Pilipino, ikinatuwa ang naging pagganap ng tungkulin ni Pangulong Duterte sa huling quarter ng 2016.

Ginawa ang survey noong December 3 hanggang 6, 2016 sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Nakakuha ng 83 percent na performance rating si Pangulong Duterte, 62 percent naman ang kay Vice President Leni Robredo at 55 percent kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel The Third.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez naman nakakuha ng 43 percent na grado at 47 percent para kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa bago kunin ang survey ay ang pagbibitiw ni Vice President Robredo bilang cabinet member ni Pangulong Duterte, pagpapahintulot ng Korte Suprema na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani at ang pag-iimbestiga ng Senado at National Bureau of Investigation sa kaso ng pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Tags: ,