Pangulong Duterte, may panibagong babala sa NPA

by Radyo La Verdad | October 25, 2018 (Thursday) | 5282

Isang panibagong babala ang binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon laban sa New People’s Army (NPA).

Ayon sa punong ehekutibo, handa siyang utusan ang militar at pulisya na gawin kung ano ang kailangan upang pigilan ang mga planong paghahasik ng kaguluhan ng mga makakaliwang grupo.

Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy ng pangulo ay ang nangyari sa Sagay City, Negros Occidental kung siyam na magsasaka ng tubo ang pinaslang ang itinuturo responsable dito ang New People’s Army (NPA).

Ayon sa Pangulo, gagawin niya ang lahat upang mapanatili ang kaayusan sa bansa.

Nanawagan din ito sa publiko na huwag sundin ang mga makakaliwang grupo.

Kaugnay sa nangyaring Sagay massacre, ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, bahagi umano ito ng plano ng Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA para ipahiya ang administrasyong Duterte sa international community.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,