Muling nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public engagement ang pagkakadawit ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Paulo Duterte sa pagkakalusot sa Bureau of Customs ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu mula China.
Ayon sa Pangulo, kung makapaglalabas ng dokumento na katunayang sangkot ang kaniyang anak dito, agad siyang magbibitiw sa pwesto.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang dumalo ito centennial celebration ng Southern Philippines Medical Center sa Davao City noong Biyernes ng gabi.
Una ng binanggit ng customs broker na si Mark Taguba sa pagdinig sa Kamara ang tungkol sa pagkakasangkot ni Vice Mayor Duterte sa smuggling sa BOC kasama ang tinaguriang Davao group. Ngunit inamin din na narinig lang din niya ito sa iba.
Si Taguba ang itinuturong pangunahing sangkot kung bakit nakalusot sa BOC ang shipment na may lamang droga.
Una namang sinabi ni Pangulong Duterte na agad siyang bababa sa pwesto oras na mapatunayang sangkot ang sinoman sa kaniyang mga anak sa katiwalian.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)