Bago matapos ang 2016, bibiyahe sa dalawang Southeast Asian countries si Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula December 13 hanggang 14, pupunta ang pangulo sa Cambodia para sa isang state visit.
Dederetso naman ito sa Singapore sa December 15 at mamalagi doon hanggang December 16.
Makikipagkita si Pangulong Duterte kay Cambodian King Norodom Sihamoni at may bilateral meeting sa Prime Minister na si Hun Sen.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, posible ring mapag-usapan dito ang isyu sa South China Sea.
Sa Singapore naman ay nakatakda rin ang bilateral talks nina Pangulong Duterte at Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Isang state banquet din ang inihanda para sa kaniya ni Singapore President Tony Tan Keng Yam.
Layunin rin ng dalawang state visit ang pagdalaw sa Filipino communities, pagpapaigting sa defense-security relations, bilateral trade, kapakanan ng mga Filipino migrant workers, cultural-tourism relation at iba pa.
Ang biyahe ng pangulo sa mga bansa sa Asya ay bilang paghahanda na rin ng pamahalaan sa nakatakdang chairmanship ng Pilipinas sa Asean Summit sa susunod na taon.
Una nang bumisita na si Pangulong Duterte sa ibang bansa sa Southeast Asia tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam, Brunei, at Laos.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: may dalawang foreign trips bago matapos ang 2016, Pangulong Duterte