Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupulungin din nito ang mga jeepney driver at operators na nagsagawa ng strike at tigil pasada noong Lunes bilang pagtutol sa umano’y planong phase out ng mga lumang jeep.
Layon nito na mapakinggan ng pangulo ang panig ng mga ito hinggil sa isyu.
Ayon kay Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella, ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag nang makipag-usap ito sa mga lider ng labor groups sa malakanyang noong Lunes ng gabi.
Gayunman, wala pang detalye ang malakanyang kung kailan ito isasagawa.
Ikinatuwa naman ng mga pinuno ng transport groups ang ulat na ito at umaasang personal nilang maipapabot sa presidente ang kanilang mga hinaing.
Bukod sa usapin ng old jeepney phase out, balak din nilang buksan kay Pangulong Duterte ang kanilang mga suhestiyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko at pagtutol ng mga ito sa pagsasabatas ng tax reform measures.
(UNTV News)
Tags: Lunes, mga jeepney driver at operator, nag-strike, Pangulong Duterte