Pangulong Duterte, mainit na tinanggap ang pinuno ng European Council sa ASEAN-EU summit

by Radyo La Verdad | November 14, 2017 (Tuesday) | 3253

Nagkaharap sa ASEAN-European Summit sina Pangulong Rodrigo Duterte at European Council Donald Tusk kasama ang iba pang ASEAN economic leaders.

Sa opening statement ng dalawang pinuno, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng ugnayan ng ASEAN at European Union.

Aminado si Pangulong Duterte na mahalaga ang papel na ginagampanan ng EU sa external relations at partner ito sa pagsulong ng asean bilang isang regional economic bloc. Kaya naman, sa naturang pagpupulong, nais pang palawigin ang relasyon ng ASEAN sa EU.

Ayon naman kay EU Council President Donald Tusk, prayoridad ng EU na paigtingin pa ang ugnayan nito sa ASEAN na nababatay sa pagkilala sa human rights at rule of law.

Dagdag pa nito, magkahalintulad ang mga interes ng ASEAN at EU at kapwa may mga kinakarap ding hamon tulad ng paglaban sa banta sa seguridad tulad ng terorismo at transtional crimes.

Bukod dito, committed din ang EU na pag-ibayuhin pa ang trade deal nito sa ASEAN Member States.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,