Pangulong Duterte, magsasampa ng impeachment complaint vs Ombudsman Morales

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 3702

Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na paaalisin sa pwesto sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos makipagpulong sa pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo sa Malakanyang kahapon.

Ayon sa punong ehekutibo, naniniwala itong kasabwat si Morales sa paglalabas ng mga gawa-gawang dokumento laban sa kaniya.

Iligal din umano ang pagkakaroon ng ebidensya ni Senador Antonio Trillanes hinggil sa kaniyang bank records dahil kinuha ito ng mambabatas sa pamamagitan ng dating AMLC Executive Director Julia Abad.

Sagot naman ng senador sa alegasyon ng Pangulo,ito ay panibagong imbentong istorya ng Pangulo kung saan ay may nadadamay na inosenteng tao.

Samantala, kinwestyon din nito ang SALN ng punong mahistrado at pinaratangan ang punong mahistrado ng pagiging maluho.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,