Pangulong Duterte, kinilala ang mga atletang Pinoy na wagi sa 30th SEA Games

by Erika Endraca | December 19, 2019 (Thursday) | 2509

METRO MANILA – Gumugol ng kulang 3 oras si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggawad ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kamagi sa bawat atletang Pilipino na nagkamit ng medalya sa ginanap na 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa.

Higit 500 atleta ang dumalo sa recognition sa Malacanang Kahapon (Dec. 18). Nais ng Pangulong makasalamuha ng personal ang mga atletang nagsakripisyo upang magbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Itinanghal ang Philippine National Team bilang overall champion sa SEA Games. Dinaan naman sa biro ng Pangulo ang ginawang paggawad ng pagkilala sa mga manlalaro.

“Before I… this would… because medyo mahaba tayo kanina eh.] Itong isang paa ko laylay na. Kakasemplang ko lang sa motor. But you know sa harap ng mga athletes na grit and ano, walang sakit-sakit. Akala ko talaga kanina mahimatay na ako. ”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nasa P117-M halaga naman ang ipinagkaloob ng gobyerno na incentives para sa mga medalist at kanilang coaches at trainers sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PCG).

Bukod pa ito sa cash incentives na ipinagkaloob ni Pangulong Duterte.
Nangako rin itong magdadagdag pa ng pondo para sa allowance, training, facilities, equipment at iba pa ng mga atletang Pinoy.

“The blood, sweat and tears that you have shed to earn this prestigious recognition is truly inspiring. I am really very happy to no end.we will try to raise the money. I heard — Alan says that you have — we’re giving One Million? One hundred — One Hundred Million? for the Olympic.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,