Pangulong Duterte, itinangging may kinalaman ang pamahalaan sa pagkapaslang sa isang human rights lawyer

by Radyo La Verdad | November 9, 2018 (Friday) | 2272

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing hindi ang pamahalaan ang nasa likod ng pagpaslang sa human rights lawyer at abogado ng siyam na magsasaka sa Sagay Negros Occidental na si Atty. Ben Ramos.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kagabi nang mamahagi ito ng certificates of land ownership award sa mga beneficiary sa Boracay Island.

Si Ramos ay isa sa mga founding member ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), grupo ng mga abogadong nagbibigay ng libreng legal assistance sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.

Isa rin siya sa mga abogadong umaayuda sa mga pamilya ng mga pinaslang na magsasaka sa Sagay.

Pinagbabaril si Ramos sa Kabankalan, Negros Occidental Martes ng gabi.

Isinisi naman ni Pangulong Duterte ang pamamaslang sa abogado at Sagay farmers sa mga rebeldeng komunista na namimilit umano sa ibang mang-agaw ng lupain.

Nagbabala rin itong muli laban sa mga nagbabalak maghasik ng kaguluhan sa bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,