Tuwang-tuwa ang mga beteranong sundalo pati ang mga biyuda dahil sa magandang balita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na pagdiriwang ng National Heroes’ Day.
4.7 billion pesos ang halagang pondong nakalaan at ipagkakaloob para sa Administrative Liabilities of Armed Forces of the Philippines Pension Arrears.
Ito ang nakalaan sa budget ng 2016 at ipinangakong ibibigay ng Duterte Administration sa mga retiradong tauhan ng militar at mga biyuda.
3.5 billion pesos para sa mga biyuda at 1.2 billion pesos naman para sa mga retiree ng AFP.
Samantala, sa ibang balita, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagtugis sa mga miyembro ng ninja o mga pulis na nagrerecycle ng droga gayundin sa mga pulis na protektor ng mga drug lord.
Dalawang milyong piso ang ipinangakong reward ni Pangulong Duterte sa mga mahuhuli.
Pangunahing pinagbilinan ng pangulo ang mga tauhan ng militar at pulisya sa misyong ito.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: pagkakaloob ng P4.7B na pondo, Pangulong Duterte, pension backlog ng AFP retirees at widows