Pangulong Duterte, inutusan ang HPG na hulihin ang mga iligal na paparada sa Davao River Bridge

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 4973

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Highway Patrol Group (HPG) sa Davao City na hulihin ang mga motorista na paparada sa gilid ng kalsada sa Davao River Bridge.

Sinabi ito ng pangulo sa inagurasyon ng mas pinalapad na Ma-a Bridge 2 sa Davao City kagabi.

Ang bridge widening project ay bahagi ng pagpapalapad ng Carlos P. Garcia Highway o Diversion Road na may habang 18.33 kilometers. Ang nasabing tulay ay may habang 220 meters ay ginawang anim na lane mula apat na lane.

Ayon sa DPWH, umaabot sa mahigit 31 libo na motorsita ang dumadaan dito araw-araw. Kaya naman maraming makikinabang sa mas pinalapad at pinatibay na tulay.

Bukod sa mga taga Davao, makikinabang rin dito ang mga karatig na lalawigan na dumadaan rito.

Aabot sa mahigit 340 milyong piso ang inilaang pondo sa nasabing Davao River Bridge.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,