Pangulong Duterte, iniutos na sa militar ang pagpuksa sa mga rebeldeng NPA

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 3814

Hindi na kailangan ng warrant of arrest at neutralization na pinaniniwalaang reresolba sa deka-dekadang suliranin sa rebelyon.

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpuksa ng mga sundalo sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA), lalo na’t patuloy pa rin aniya ang ginagawa nitong krimeng rebelyon laban sa pamahalaan.

Ginawa nito ang pahayag nang dumalaw sa 803rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Catarman, Northern Samar kahapon.

Bukod dito, inatasan niya rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na paigtingin ang pagkalap ng intelligence information.

Handa aniya ang Pangulong matuligsa sa kanyang panibagong pronouncement subalit nanindigan na may ligal itong batayan.

Nangako rin ito sa mga sundalo na hindi ito papayag na makulong dahil sa kautusan niyang ito.

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ng Communist Party of the Philippines na ang pagtatagpo ng mga demokratikong pwersa ang magpapabagsak anila sa Duterte administration dahil sa papalalang kalagayan ng ekonomiya at sigalot sa pulitika.

Asahan na anila ang pagtindi ng mga kilos-protesta sa mga susunod na buwan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,