Pangulong Duterte, inimbitahan ng Catholic Church para sa isang pagpupulong sa Byernes

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 4782

Inimbitahan ng envoy of the Roman Catholic’s Pope to the Philippines na si Italian Archbishop Gabriele Giordano Caccia si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pag-uusap sa araw ng Biyernes.

Ito ang inanunsyo ni Pastor Boy Saycon kahapon, miyembro sa three-man committee na binuo ni Pangulong Duterte para makipagdayalogo sa Catholic Church at iba pang religious organization.

Ayon kay Saycon, ang Papal Nuncio o head ng diplomatic mission ang nagpa-abot ng imbitasyon sa punong ehekutibo.

Pinakukumpirma rin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella ang imbitasyon ng Papal Nuncio na ipinaabot umano sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Naging kontrobersyal si Pangulong Duterte kamakailan matapos na tuligsain ang mga aral ng Iglesia Katolika kamakailan.

Tags: , ,