Susulatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international organizations na European Union at United Nations upang pormal na imbitahan ang mga kinatawan nito na magtungo sa Pilipinas.
Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang pagpapasinaya sa Misamis Oriental Coal Plant kaninang hapon.
Ayon sa pangulo, iimbitahan niya ang pinakamagagaling na opisyal ng EU at UN sa isang open forum sa Senado o sa folk arts theater at isasapubliko ang kanilang magiging diskusyon.
Una nang nagbigay ng mga pahayag ang EU at UN na dapat magkaroon ng separate investigating body sa pilipinas sa mga umano’y tumataas na kaso ng extrajudicial killings sa bansa kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng Duterte Administration.
Gayunpaman, iginigiit ni Pangulong Duterte na hindi gawain ng mga tauhan ng government security ang vigilante killings.
Sa huli, nanindigan si Pangulong Duterte sa kaniyang posisyon bilang pinuno ng isang malayang bansa at hindi lamang isang simpleng opisyal ng pamahalaan.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: inimbitahan ang EU at UN, kaugnay ng anti-illegal drugs campaign, pang imbestigahan ang umano’y vigilante killings, Pangulong Duterte