Pangulong Duterte, papayag nang makapasok sa border ng Pilipinas ang mga otoridad ng Malaysia at Indonesia

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3239

Muling binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napipinto niyang pakikipagpulong kina Indonesian President Joko Widodo at Malaysian Prime Minister Najib Razak. Ito ay upang pag-usapan ang pagpapaigting ng kooperasyon ng tatlong bansa kontra terorismo.

Layon ng pagpupulong na pagtibayin ang una ng napagkasunduan ng tatlong panig na pagkakaroon ng Joint Task Force sa paglaban sa terorismo at iba pang transnational crimes. Nais ng Pangulo na buksan ang Philippine borders sa Security Forces ng Malaysia at Indonesia kung kinakailangan.

Matatandaang nagbigay ng babala si Pangulong Duterte kamakailan hinggil sa mga posibleng sunod na target ng mga terorista tulad ng Davao, Zamboanga at kahit ang Manila. Kaya pinalalakas din ng pamahalaan ang kapasidad ng militar at pulisya.

Ika-105 araw na ang nakalipas mula ng pumutok ang bakbakan sa Marawi City at ayon sa punong ehekutibo at nasa final stages na ang pagbawi sa buong siyudad mula sa mga terorista.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,