Pangulong Duterte, inihayag ang dahilan ng pagpili kay PDG Albayalde bilang bagong PNP chief

by Radyo La Verdad | April 20, 2018 (Friday) | 4566

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na maipagpapatuloy ng bagong chief ng Philippine National Police na si Director General Oscar Albayalde ang mga nagawang accomplishment ng pambansang pulisya.

Sa kaniyang talumpati sa change of command ceremony sa Camp Crame kahapon, inihayag ng punong ehekutibo ang dahilan kung bakit niya napili si Albayalde na humalili kay dating Director General Ronald Bato Dela Rosa.

Samantala, nagbabala si Pangulong Duterte sa mga tiwaling tauhan ng pulisya.

Aniya, siguradong makikita pa rin ng mga ito si Dela Rosa, oras na pumasok ang mga ito sa bilibid.

Hindi naman nakalimutan ng pangulo na purihin ang mga nagawa ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Dela Rosa.

Kabilang sa mga ito ang paglansag sa operasyon ng iligal na droga, pagbaba ng antas ng krimen sa bansa at ang pagsibak sa mga pulis na may kinalaman sa illegal drug operations.

Si Dela Rosa ay itatalaga bilang susunod na chief ng Bureau of Corrections ni Pangulong Duterte.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,