Nasa final stages na ang bakbakan sa Marawi City ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Gayunman, naniniwala ito na kahit mabawi na ang kabuuan ng lungsod mula sa mga kumobkob na terorista, di pa rin nangangahulugang ligtas na ang Mindanao sa banta ng terorismo.
Inihayag ni Pangulong Duterte na nais makipagpulong sa kaniya ni Malaysian Prime Minister Najib Razik kasama si Indonesian President Joko Widodo. Ito ay upang mapigilan ang paglala ng suliranin sa terorismo at iba pang transnational crimes sa Rehiyon. Nagbabala din si Pangulong Duterte sa mga maaaring sunod na target ng mga terorista.
Kaya naman naghahanap na rin ang punong ehekutibo ng pondo dahil nais niyang magkaroon ng dagdag na lima hanggang pitong battalion ng Special Action Force bukod sa target na 20 libo tropa ng army.
Pinalalakas na din ng pamahalaan ang kapasidad ng Philippine Air Force at Philippine Navy sa pamamagitan ng mga karagdagang eroplano at fast boats.
(Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent)
Tags: Indonesian Pres. Widodo, Malaysian PM Najib Razak, Pangulong Duterte