METRO MANILA – Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaang mailayo sa danger zone ang mga residenteng malapit sa Taal volcano.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakatutok ang Duterte Administration sa sitwasyon sa Taal.
Nakikipag-coordinate na rin ang National Government sa Provincial Government ng Batangas para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente kabilang na ang kanilang evacuation.
Pinaalalahanan naman ng palasyo ang publiko na manatiling alerto.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Bulkang Taal, danger zone