Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 13 na nag-aatas sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation at iba pang law enforcement agencies ng pamahalaan na paigtingin ang operasyon laban sa illegal gambling.
Batay sa kautusan, makikipag-ugnayan ang PNP at NBI sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of the Interior and Local Government at Department of Information and Communications Technology sa kanilang gagawing anti-illegal gambling operations.
Iniutos rin ng pangulo ang agarang pagtugon sa mga hinaing ng mga gambling regulatory authorities na agad na imbestigahan at pahintuin ang mga illegal gambling activities.
Batay sa inilabas na executive issuance, maituturing na iligal ang gambling kung hindi ito otorisado o lisensyado ng authorized na government agency.
Ang Office of the President naman ang direktang magmomonitor sa pagpapatupad ng naturang order.
Kaya lahat ng ahensya ng pamahalaan tulad ng PAGCOR, CEZA, BIR, BOC at iba pa ay inaasahang makikipagtulungan sa pagpapatupad nito.
Tags: inatasan na ang law enforcement units na paigtingin ang operasyon kontra illegal gambling, Pangulong Duterte