Pangulong Duterte, inaming walang tiwala kay VP Robredo kaya di na itinalagang cabinet member

by Erika Endraca | November 20, 2019 (Wednesday) | 9075

METRO MANILA – Di niya mapagkakatiwalaan dahil bukod sa miyembro ng oposisyon, di niya kilalang personal. Ito ang mga dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi na niya ini-appoint bilang cabinet member si Vice President Leni Robredo kasunod ng pagkakatalaga niya sa Bise Presidente bilang Drug Czar at Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“I cannot trust her not only because she is with the opposition, I do not trust her because I do not know her. Di ko alam kung sino mga kausap niya noon, kung sinong mga pulitiko, kung sinong mga tao, probably one of the biggest a drug manufacturing apparatus was in Bicol.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin din ng Punong Ehekutibo ang agam-agam sa Bise Presidente sa posibilidad na i-leak nito ang classifed data ng gobyerno partikular na ang may kaugnayan sa anti-drug war.

Mula aniya nang italaga niya itong Drug Czar, kung anu-ano na ang mga pinagsasabi ng bise presidente at nakikipag-ugnayan pa sa mga kritiko ng kaniyang administrasyon.

Matatandaang hinihingi ng pangalawang pangulo ang listahan ng high-value targets sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakipagpulong na ito sa ilang tauhan ng United Nations Office on Drugs and Crime at Estados Unidos.

“If that is the way her mouth behaves, that is the way scatterbrain, I will talk to this, I will talk to this, she invited even yung mga prosecutors ng human rights commission which we rebuke, bakit papupuntahin dito yung mga prosecutors and all, she was grandstanding na eh, it was like a carnival, she was talking right and left na ” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw naman ng presidente na di niya kailangang tanggalin bilang Drug Czar si VP Robredo at nagta-trabaho naman ito.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,