Pangulong Duterte, inaming nakakaranas ng “perpetual pain” mula ng ma-aksidente sa motorsiklo

by Radyo La Verdad | August 22, 2018 (Wednesday) | 2624

Matapos pabulaanang na-comatose siya, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakakaranas siya ng perpetual pain o walang tigil na pananakit ng kaniyang gulugod o spine sa kaniyang pinakahuling public engagement sa Cebu City kahapon.

Sa gitna ng mga lokal na opisyal ng League of Municipalities Visayas Cluster, hindi itinanggi ng punong ehekutibo ang kaniyang health condition matapos maaksidente sa motorsiklo ilang taon na ang nakakalipas.

Dati nang inamin ng Pangulo na umiinom siya ng fentanyl, isang matinding painkiller upang ibsan ang pananakit sa kaniyang spine, subalit pinatigil ng doktor ng malamang dinoble niya ang kaniyang prescribed medication.

Tutol din aniya ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña, isang nurse na ipa-opera ito dahil sa posibilidad na magkaroon ng mga kumplikasyon.

Samantala, muli namang binatikos ni Pangulong Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na unang naghinalang nasa malubhang kalagayan ang punong ehekutibo.

Ayon kay Pangulong Duterte, matagal pa ang itatagal ng buhay niya. Freeloader o mananamantala din aniya si Sison sa bansang kumukupkop sa kaniya.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,