Pangulong Duterte, inalok ang China na maging third telecom carrier sa bansa

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 4295

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na magbukas ng bagong kumpanya na magbibigay ng mas maayos at mabilis na internet connection sa subcribers sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, determinado ang Pangulo na wakasan ang duopoly o ang pamamayagpag ng dalawang  kumpanya sa merkado ng telecommunications service sa bansa.

Ngunit sa ngayon ay wala pang naibibigay ang China na partikular na kumpanya para maging third player sa bansa.

Oras na magbigay ng mga kinakailangang dokumento, may 45 araw ang Office of the Executive Secretary upang pag-aralan at siyasatin ito.

Bukod dito, inaasahan ding makakatulong ang karagdagang two terabits per second dahil mula naman sa partnership ng pamahalaan at isang facebook affiliate.

Ayon sa Malakanyang, matagal na sana itong naipatupad kung hindi lang nabinbin sa ilalim ng pamumuno ni dating Department of Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima.

Sinasabi itong conflict of interest kaya inalis din ni Pangulong Duterte sa pwesto ang opisyal.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,