Pangulong Duterte, inalisan na rin ng karapatan ang NBI na maglunsad ng anti-illegal drugs operations

by Radyo La Verdad | February 3, 2017 (Friday) | 1058


Bukod sa PNP inalisan na rin ng katapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation o NBI na magpatupad ng batas may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Dismayado ang pangulo sa NBI dahil maging ang naturang organisasyon ay nahaharap sa mga isyu ng korapsyon.

Kabilang na dito ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo kung saan dawit umano ang ilang kawani ng NBI.

Nais ng pangulo na isailalim din sa internal cleansing ang ahensya.

Binigyang diin din ng punong ehekutibo na ang PDEA katuwang ang AFP ang pinapayagan niyang maglunsad ng anti-illegal drug operations.

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na wala siyang nakikitang dahilan sa ngayon para magpatupad ng Martial law sa kabila ng suhestyon ng isang mambabatas na ipatupad ito sa ilang lugar sa Mindanao.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,