Inaalis na sa pwesto ni Pangulong Duterte si Labor Undersecretary Joel Maglunsod
Inanunsyo ito ng punong ehekutibo sa presentation sa kaniya ng mga rebel returnee sa Catarman, Samar kahapon.
Ayon sa punong ehekutibo, pinaaalis niya na si Maglunsod matapos pagbigyan ang mga makakaliwang grupo ng una subalit patuloy pa rin aniyang nakikipag-away at nag-istrike laban sa pamahalaan.
Ayon naman kay Labor Secretary Silvestro Bello, kukumpirmahin niya pa ang ulat na ito.
Si Maglunsod ay dating political detainee sa panahon ng martial law at dating Anak Pawis Party-list Representative.
Naging secretary general at vice chairperson din ito ng Kilusang Mayo Uno.
Isa si Maglunsod sa mga miyembro ng makakaliwang grupo na binigyan ng pwesto sa pamahalaan nang maupo bilang Pangulo si Pangulong Duterte at natirang leftist member sa gabinete ng punong ehekutibo.
Ni-reject ng Commission on Appointments (COA) sina dating Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: inaalis na sa pwesto, Labor Undersecretary Maglunsod, Pangulong Duterte