Pangulong Duterte, iimbestigahan ang mga naantalang public works projects

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 4720

Inirereklamo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapabayaan ng mga mayhawak ng mga hindi tapos na proyekto para sa publiko, partikular na rito ang mga road projects na aniya’y dahilan ng marami aksidente. Iimbestigahan na umano niya ang mga naantalang proyekto at papanagutin ang mga pabaya sa gobyerno.

Samantala, nai-turn over na ng Japan International Cooperation Agency o JICA ang bagong satellite-based communications, navigation, surveillance/air traffic management sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.

Layunin nitong itaas ang antas ng aviation regulator ng bansa gaya sa mga bansang Japan, South Korea, Singapore at China sa usapin ng aviation regulator.

Sa pamamagitan nito mamomonitor na ng Pilipinas ang 100 percent manila flight information region na itinakda sa bansa ng International Civil Aviation Organization. Ibig sabihin, mula tatlong radar, 10 radar na ang magagamit para i-cover ang Philippine airspace.

Sa pamamagitan ng computer based flight data processing system, magkakaroon ng kakayahan ang aircraft operators na ma-meet ang takda nilang oras ng departure at arrival at makakasunod sila sa piniling flight profiles na may minimum constraints at walang kumpromiso sa seguridad.

Nagkakahalaga ang proyekto ng 10.8 billion pesos na tinustusan ng JICA sa pamamagitan ng loan agreement at inaasahang magiging fully operational bago matapos ang 2018.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,