Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa isang public debate niya nais makaharap ang United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial Executions.
Ito ay matapos sabihin ng UN special envoy sa isang interview na hindi nito maaring harapin sa isang public debate ang punong ehekutibo.
Ayon kay Dr. Callamard, hindi umano ito nakaayon sa conduct ng isang special rapporteur.
Sa halip, iminungkahi ni Callamard na magkaroon na lamang ng isang joint press conference kung saan maaring makapagtanong ang pangulo sa resulta ng kanyang imbestigasyon.
Una nang inimbitahan ni Pangulong Duterte na pumunta sa Pilipinas ang kinatawan ng United Nations upang makita nito ang umano’y tunay na kalagayan ng bansa at ng laban nito sa illegal drug operations.
Tags: Pangulong Duterte, public debate, UN Rapporteur Agnes Callamard