Pangulong Duterte, iginiit ang Freedom of Information sa pagsasapubliko ng narco list

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 2545

ROSALIE_DUTERTE
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balak nitong pagsasapubliko sa ikalawang pagkakataon ng isa pang listahan ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot umano sa iligal na droga.

Ayon sa pangulo, binubuo ito ng mga kapitan ng barangay, pulis, at mga prosecutor.

Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na magpapatuloy ang gagawing paglilinis ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Iginiit din ni President Duterte na tungkulin niyang ibulgar sa publiko ang mga personalidad sa pamahalaang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ito ay batay na rin sa mismong kaniyang Executive Order on Freedom of Information bill.

Plano rin ng pangulong sagutin ang sulat sa kaniya ni Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno.

May ipinahayag rin ang pangulo kaugnay sa mga huwes na kabilang sa narco list subalit patay na o wala na sa kanilang katungkulan.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,