Pangulong Duterte, humingi ng paumanhin sa harap ng Korean ambassador at ilang businessmen sa Jee Ick Joo case

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 1092


Si Pangulong Rodrigo Dutere na mismo ang humingi ng paumanhin sa harap ng ambassador ng South Korea, mga negosyante at mamumuhunan dahil sa nangyaring pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.

Si Jee ang Koreanong negosyante na biktima ng extortion at pinatay umano ng mga pulis sa loob ng Camp Crame.

Nangako ang pangulo na mananagot sa batas ang lahat ng responsable sa krimen.

Kaugnay nito, muli namang binigyang diin ng pangulo ang kaniyang kahilingan na buhayin ang death penalty sa bansa.

Samantala patuloy namang pinag-iingat ng Korean government ang kanilang mga mamamayan sa pagpunta sa Pilipinas.

Ayon kay Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin, matagal na ang naturang advisory bago pa man ang nangyari kay Jee ngunit nilinaw nito na hindi ito travel ban.

Umaasa din ang Korean ambassador na hindi maaapektuhan ng insidente ang pagdating ng mga turistang Koreano sa Pilipinas.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,