Pangulong Duterte, hindi sang-ayon na ibaba sa Alert Level 0 ang bansa

by Radyo La Verdad | April 6, 2022 (Wednesday) | 1683

METRO MANILA – Hindi sinangayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapanawagan na ibaba na ang COVID-19 Pandemic Response System sa Alert Level Zero.

Ayon sa pangulo papayagan lamang niya ito kung 1 o 2 na lamang kaso ng Covid sa bansa.

Sa kasalukuyan nasa alert level 1 ang Metro Manila kabilang na ang ibang rehiyon.

Sa gitna naman ng naiuulat na nalalapit na shelf life expiration ng nasa 27 million doses ng COVID-19 vaccines, sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring gawin ng bahay bahay ang vaccination program ng pamahalaan.

Nanawagan ang pangulo sa New Peoples Army (NPA) na huwag saktan ang mga health care workers na magsasagawa ng house-house inoculation sa mga malalayong lugar.

Tinawag naman na “theoretical expiration” ni Health Secretary Francisco Duque ang mga bakunang mage-expire sa Hulyo.

Ayon sa kalihim, kung titignan ang datos nasa 1.54% t lamang ang wastage rate ng bansa.

Welcome naman sa kalihim, sakaling isulong ng kongreso ang isang batas ukol sa mandatory vaccination.

Sa ulat ni Secretary Duque kay Pangulong Duterte, patuloy pa rin ang pagbaba ng kaso ng covid.

Sa kabila nito, nababahala naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Junior sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, ipinaliwanag naman ni Pangulong Duterte kung bakit hindi siya nagendorso ng presidential candidate.
Ayon sa kaniya, ayaw niyang maparatangan na ginagamit ang resources ng pamahalaan para ikampanya ang isang kandidato.

Ilan sa mga kandidato na patuloy na umaasa sa endorso ng pangulo ay sina presidential candidates Ferdinand Bongbong Marcos junior at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Una nang iendorso ni Pangulong Duterte ang kandidatura ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sa pagka-bise presidente.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: