Hinamon ng Pangulo sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Carpio Morales na magbitiw sa kanilang pwesto dahil sa mga kontrobersyang kinakaharap ng mga ito. Ipinahayag ito ng punong ehekutibo sa isinagawang pagtitipon ng mga bagong opisyal at miyembro ng Integrated Bar of the Philippines sa Davao City, araw ng Sabado.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, di siya pasasakop sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman laban sa kaniya kaugnay ng mga umano’y tagong yaman nito.
Nagbabala rin ito kay Overall Deputy Ombudsman Carandang na nangunguna sa imbestigasyon sa umanoy bank records ng kaniyang pamilya alinsunod sa mga reklamong inihain ng kaniyang pangunahing kritiko na si Senador Antonio Trillanes IV.
Una nang pinabulaanan ng Anti-money Laundering Council na nagbigay na ito ng ulat sa ombudsman.
( Asher Cadapan / UNTV Corresondent )