Pangulong Duterte, dumipensa sa P12.09 Trillion na utang ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | April 1, 2022 (Friday) | 1312

METRO MANILA – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglobo ng pambansang utang sa new record high as of end of February ngayong taon.

Aniya, kailangan ng salapi ng bansa upang masustentuhan ang big ticket projects ng gobyerno.

“The government is like a house. Ngayon ang sweldo ko ganito lang, pero may house needs…the roof is leaking…o you need another balay. Wala kang kwarta then you will borrow.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito, hindi lang Pilipinas ang may pagkakautang.

Sa ulat ng Bureau of Treasury, P12.09-T na ang outstanding debt ng Pilipinas as of February 2022.

Ibig sabihin, P63.83-B o 0.5% ang nadagdag sa ating pagkakautang mula buwan ng Enero, pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa.

Ayon sa kawanihan, bunsod ito ng currency fluctuations at net financing sa local at external sources.

“Walang gobyerno sa mundong ito na walang utang. You borrow money if the taxes are not enough for our needs, tapos may gusto kang gawing big projects katulad ng tulay.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

8.41 trillion pesos dito ay domestic debt o 69.6%.

Habang P3.68-T naman ang external debt o 30.4% ng total debt.

Naka-apekto rin sa pagtaas ng external borrowings ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: