Pangulong Duterte, dumepensa sa pagtatalaga niya kay CJ De Castro

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 2442

Hindi utang na loob ang dahilan kung bakit itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senior Associate Justice Teresita Leonardo De Castro bilang bagong pinuno ng Korte Suprema.

Iginiit ng Pangulo na sinunod lang niya ang seniority rule sa pagtatalaga kay De Castro sa gitna ng mga batikos sa kanyang desisyon.

Marami ang nagsasabi na bayad utang ito sa naging partisipasyon ni De Castro sa impeachment process ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si De Castro na appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang pinaka-senior sa lahat ng miyembro ng Korte Suprema sa ngayon. Ngayong araw ay inaasahang lalabas ang formal appointment nito bilang bagong punong mahistrado.

Samantala, ayon naman kay Special Assistant to the President Bong Go, naka-schedule sa ika-13 ng Agosto ang oath taking nito sa Malacañang.

Mayroon na lamang kulang dalawang buwan si De Castro upang pamunuan ang Korte Suprema bago ang kaniyang mandatory age of retirement na 70 taong gulang sa ika-8 ng Oktubre.

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,