Pangulong Duterte, dumepensa sa pagpasok sa Grand Mosque sa Marawi ng nakasapatos

by Radyo La Verdad | September 13, 2017 (Wednesday) | 2019

 

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanilang pagpasok sa Grand Mosque sa Marawi City nang muli itong bumisita sa siyudad noong Lunes.

Ang Grand Mosque ay malapit lamang sa battle area at nagsilbing kanlungan ng mga terorista nang mga unang linggo ng bakbakan.

Ayon sa punong ehekutibo, pinayuhan siya ng grand commander na manatili sa Mosque dahil sa putukan.

Binatikos umano ang kampo ng Pangulo dahil sa pagpasok nila ng naka-boots sa loob ng Mosque.

Dagdag pa ng Pangulo, maraming basag na salamin at mga bato sa loob ng Mosque, kaya marapat lang na nakasuot sila ng boots.

Bumisita ang kampo ng Pangulo sa Marawi City matapos mabawi ng militar ang tulay malapit sa Banggolo.

Pang-apat na buwan na ang bakbakan mula ng kubkubin ng mga daesh-linked terrorist group ang Marawi.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,