Pangulong Duterte, dumating na sa Bali, Indonesia para sa ASEAN Leaders’ Gathering

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 8346

PHOTO: ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL PHOTO

Dumating kagabi ang delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bali, Indonesia para sa ASEAN Leaders’ Gathering mamayang hapon.

Ang ASEAN Leaders’ Gathering ay isang special meeting ng mga ASEAN Member States kabilang na ang multilateral at international organizations.

Kasama ni Pangulong Duterte ang ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete na sina Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano, Financy Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Special Assistant to the President Bong Go.

Nakatakdang magbigay ng talumpati si Pangulong Duterte sa naturang event upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mas matatag na regional at global cooperation at pagpapanatili ng seguridad at stability upang maisulong ang tuloy-tuloy na pag-unlad para sa lahat.

Sa sidelines ng ASEAN Leaders’ Gathering, makikipagpulong ito sa ibang ASEAN leaders hinggil sa iba’t-ibang isyu kabilang na kay Indonesian President Widodo kung saan inaasahang matalakay ang pagpapaigting ng trade at investment, at paglaban sa terorismo sa pamamagitan ng maritime defense at security.

Samantala, mag-aabot din ng ayuda ang Pilipinas sa Indonesia na nagkakahalaga ng 300 thousand USD na humanitarian assistance para sa mga nabiktima ng malakas na lindol at tsunami sa Sulawesi Island.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee.

“I learned that our C-130 plane has flown out of the Philippines to bring all assistance to Palu. We are also placed to give 300,000 dollar for humanitarian assistance, and part of what we are donating are generators, waters and medical kits as the need arises.”- pahayag ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee

Nakatakda namang bumalik agad ng Pilipinas si Pangulong Duterte mamayang gabi pagkatapos ng ASEAN Leaders’ Gathering.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,