Pasado alas-onse na kagabi nang dumating sa Beijing, China si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama ng Pangulo ang siyam na miyembro ng kaniyang gabinete gayundin sina Commission on Higher Education Chairperson Prospero de Vera III at Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Samantala, tinatanggap na ng Duterte administration ang ginawang paghingi ng paumanhin sa mga Pilipinong mangingisda ng Chinese owner ng vessel na nasangkot sa maritime incident sa Recto Bank noong June 9.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, welcome sa pamahalaan ang ginawang pagpapakumbaba ng Chinese owner na akuin ang responsibilidad sa insidente kasabay ng pag-amin na dapat mapagkalooban ng kompensasyon ang mga naapektuhan ng naturang aksidente.
Samantala, gusto man ng China o hindi, bubuksan pa rin ni Pangulong Duterte ang isyu sa arbitral ruling ng The Hague sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea sa kaniyang ika-limang pagbisita sa China.
Positibo ang pananaw ng palasyo na sa pagkakataong ito, makikinig ang China at magiging bukas sa sasabihin ng Punong Ehekutibo dahil sa pakikipagkaibigang nabuo sa pagitan ng dalawang bansa ito ay upang maiwasan na rin ang anumang hind pagkakaunawaan o pagtaas ng tensyon bunsod ng maritime dispute.
“I think China will have an open ears, after all they kept on saying that we’re friends and friends can always talk on anything. Moreover, it’s really about time to talk about it since if the concern is maritime security, and peace in the region, then there really some irritants between the two countries as well as other countries,” ani Sec. Salvador Panelo ang Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel.
Tiwala naman ang Palasyo na sa muling pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, mas titibay pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Top agenda rin sa ikalimang pagbisita ng Punong Ehekutibo sa China ang Joint Oil Exploration sa West Philippine Sea kung saan 60 percent ng makukuhang resources ay Pilipinas ang makikinabang samantalang ang 40 percent naman ay sa China.
“Maybe that is the result of the friendship that we’ve been saying between the two countries and therefore it’s mutually beneficial because both countries are agreeing on a modus vivendi with respect to the exploitation of natural resources,” dagdag ni Sec. Salvador Panelo.
Mamayang alas-siyete ng gabi maghaharap sina Chinese President xi at President Duterte at sasaksihan din nila ang pagpirma ng mga kasunduan sa pagitan ng dalawang pamahalaan.
(Rosalie
Coz | UNTV News)
Tags: China, Pangulong Rodrigo Duterte