Pangulong Duterte, dismayado sa umano’y korapsyon sa Philhealth

by Erika Endraca | July 23, 2019 (Tuesday) | 5028

MANILA, Philippines – Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y korapsyon na nangyari sa Philippine Health Insurance Corporation  (PhilHealth). 

“I am grossly disappointed. The government is conned of millions of pesos which could be used to treat illnesses and possibly save the lives of many.” ani Pangulong Rodrigo Duterte. 

Isa lamang ito sa kanyang mga binanggit na isyu sa kanyang Ika-Apat na State of the Nation Address (SONA) kahapon (July 22).

Sa kanyang talumpati, sinabi niyang ang massive fraud sa Philhealth ay patunay na lumalaganap ang korapsyon sa bansa. Matatandaang sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong kriminal ang may-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Dr. Bryan Sy at iba pang Wellmed officials na sangkot sa ghost dialysis scam. 

Ito ay matapos matuklasan na tumatanggap ang dialysis center ng payment claims sa Philhealth para sa dialysis treatments ng mga patay nang pasyente. 

Pinuri rin nito ang NBI dahil sa pagha-handle nito ng high-profile cases gayundin ang pag-aresto at prosecution ng mga kriminal. 

Samantala, inihayag ng pangulo na mahalaga ang pagpapatupad ng ease of doing business law para mapabuti ang serbisyong ibinibigay ng pamahalaan. 

Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan pagbutihin ng Land Transportation Office, Bureau Of Internal Revenue, Social Security System (SSS) , Pag-Ibig at Land Registration Authority ang kanilang mga serbisyo. Kaya naman nagbanta ito sa mga ahensya ng gobyerno na pasimplehin ang mga proseso.

“Ireiterate my government my directive to the government and instrumentalities, including the lgus and the government corporations: simplify. May I nandito ba kayo? Simplify. Just like the others. You can do it electronically. You do not have to go to the office. I’ve been asking that from you since three years ago. ‘pag hindi pa ninyo nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga kayo.” Ani PAngulong Rodrigo Duterte.

Inatasan din ng pangulo ang lahat ng alkalde sa Pilipinas gayundin ang Department of Interior and Local Government (DILG) na-magproseso ng business permits sa loob lamang ng 3 araw. 

“To DILG, LGU heads: I am directing you publicly, all clearances and permits emanating from your office must be out, at the very least, within 3 days” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Tumugon naman dito si DILG Secretary Eduardo Año nang marinig ang direktiba ng pangulo. Nakasaad na kasi sa Ease Of Doing Business Law na 3  araw lamang ang pinakamatagal na pagproseso para sa simple transanctions sa pamahalaan.

 (April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,