Pangulong Duterte, byaheng Vietnam na ngayong araw para sa 25th APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 1508

Ngayong araw aalis ang delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa tatlong araw na Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting dito sa Da Nang, Vietnam.

Tinatayang mga bandang alas-sais ng gabi ang dating dito ni Pangulong Duterte kasama ang ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete tulad nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Sonny Dominguez, Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, Presidential Communications Secretary Martin Andanar at President Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez na nandito na sa Vietnam para sa APEC Business Summit at Ministerial Meeting, inaasahang ang pag-uusap sa APEC sidelines nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin.

Sasamantalahin na aniya ng punong ehekutibo na pasalamatan ang russia para sa tulong na ibinigay nito kamakailan para mapaigting ang pwersa ng Philippine Military kontra terorismo.

Samantala, mahigpit na ang seguridad na ipinatutupad ng mga otoridad sa vicinity ng APEC Summit.

Patuloy din ang pagdating ng mga APEC delegates dito sa Da Nang. Ilang bahagi pa rin ng Central Vietnam ang baha dahil sa nagdaang bagyo. Gayunman, tuloy pa rin ang schedule ng activities para sa 25th APEC Summit.

Hanggang Sabado, inaasahang mananatili sina Pangulong Duterte dito sa Vietnam at ilan naman sa mga economic leader ang tutuloy sa Pilipinas para sa ASEAN Summit na isasagawa naman sa ating bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,