Pangulong Duterte, bumisita sa Russian navy warship na nakadaong sa Manila Port Area

by Radyo La Verdad | January 6, 2017 (Friday) | 1268

bryan_duterte
Bandang ala-una na ng hapon ng dumating ang convoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pier 15 South Harbor.

Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Bong Go, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, National Security Adviser Hermogenes Esperon at Senador Alan Peter Cayetano.

Kasama rin sina AFP Chief of Staff General Eduardo Año at Philippine Army Commanding General Glorioso Miranda at iba pang opisyal ng AFP.

Naroon din si Russian Ambassador to the Philppines Igor Khovaev, at ang mga opisyal ng Russian at Philippine Navy.

Ang Russian Navy Vessel ay dumating sa bansa noong Martes bilang isang good will visit.

Ipinakita sa punong ehekutibo ang Russian navy warship capabilities gaya ng search and rescue operations at mga armas sa loob ng sasakyang pandigma.

Ayon sa Russian navy, itinuturing nilang milestone sa kasaysayan ng kanilang public relations ang pagbisita sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaisa ng Russia ang Pilipinas lalo na sa larangan ng kooperasyon.

Nagpaletrato pa ang mga cabinet officials at Russian Navy Officials ng naka-Duterte fist kasama ang pangulo.

Nakatakda namang magtapos ang goodwill visit ng Russian Navy Vessel sa Pilipinas bukas.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,