Nagtungo kahapon sa Surigao del Norte si Pangulong Rodrigo Duterte, isang araw matapos itong yanigin ng magnitude 6.7 na lindol.
Ito ay upang personal na alamin ang kalagayan ng relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng lindol sa isa mga lugar na pinaka-naapektuhan ng lindol, ang Surigao City.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga residente sa syudad, inamin ng pangulo na bahagyang nagkaroon ng delay sa pamamahagi ng relief goods partikular na sa mga mahihirap na probinsya dahil sa mga napinsalang imprastraktura tulad ng runway sa airport ng Surigao City.
Marami ring mga bahay, school buildings, kalye at tulay ang nasira.
Ngunit nangako ang pangulo ng dalawang bilyong financial assistance para sa mga biktima ng lindol.
Humingi naman ang punong ehekutibo ng paumanhin na hindi ito makakapagtagal sa lugar ngunit bago umalis ay tumulong ito sa pamamahagi ng mga food pack, tubig na maiinom at pinulong ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: bumisita sa mga naapektuhan ng lindol sa Surigao City, Pangulong Duterte