Pangulong Duterte, binigyang-diing di siya mapipigilang buksan ang usapin hinggil sa Arbitral Ruling sa pagbisita sa China

by Erika Endraca | August 22, 2019 (Thursday) | 16577

MANILA, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng muling pagbisita sa China sa susunod na Linggo sa kaniyang unang talumpati sa publiko matapos ang mahigit 1 Linggong walang public engagement.

Aniya, walang makapipigil sa kaniyang isulong ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea sa nakatakdang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag nang pangunahan ang paglulunsad ng 7.5 megawatt peak solar power project sa munisipalidad ng Odiongan, Tablas Island sa Romblon Kagabi (August 21).

“You just cannot talk air. At sabi nila hindi pag-usapan. Sabi ko, no. If I’m not allowed as a president of a sovereign nation to talk whatever I want to talk about, then let us not rather talk altogether. So whether you like it or not, will it make you happy or not, angry or otherwise, I’m sorry. But we have to talk the arbitral ruling then what we get if there is a start in the exploration and in the extraction of whatever worth there is in the bowels of the earth.” ani President Rodrigo Duterte.

Bukod sa Arbitral Ruling, isusulong ng punong ehekutibo ang pagkakaroon ng code of conduct. Gayundin ang proposal na magkaroon ng joint oil exploration ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea kung saan ang Pilipinas ang dapat na mas makinabang.

“Any other adventures or expeditions in the marine oceans of our exclusive zones, economic zones will have a direct bearing on that arbitral ruling. Hindi ako papayag na ano, ty ‘yan.” ani President Rodrigo Duterte.

Nakatakda ang pagbisita ng pangulo sa China sa August 28 hanggang September 3. Samantala, muling nagbabala si pangulong duterte sa mga western countries na wag gawing basurahan ang pilipinas.

Matatandaang naibalik na sa Canada ang tone-toneladang basurang iligal na napadpad sa pilipinas ilang taon na ang nakakalipas matapos na magbanta si Pangulong Duterte.

“And I’d like to say to the western countries, do not make us a garbage dump. You know, you might be more powerful, more and more developed and rich. But your wealth does not translate into something like making other nations ‘yung sa bisaya ‘yung daog-daog. Api-api.” ani President Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,