Pangulong Duterte, binanggit ang posibilidad ng pagbuo ng isang bagong panel upang makipag-usap sa mga rebeldeng komunista

by Erika Endraca | April 15, 2019 (Monday) | 3981

Manila, Philippines – Nabanggit muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa pagkakaroon ng negosasyon sa mga rebeldeng komunista.

Matapos i-terminate ang appointment ng mga miyembro ng government peace panel at tuluyang ihihinto ang formal peace talks sa mga makakaliwang grupo.

Kung nais umano nilang muling makipag-usap  sa kaniyang administrasyon, willing siyang bumuo ng isang panel na binubuo ng tatlo hanggang limang miyembro na karamihan ay mga military official.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa PDP-Laban campaign rally sa Bukidnon, Sabado ng gabi.

Samantala, inihayag naman ng pangulo na posibleng mag-donate na muli ang Jordan ng isa pang helicopter sa Pilipinas.JBukod pa ito sa dalawang cobra attack helicopters na nakatakda nang i-deliver sa bansa sa hulyo ngayong taon matapos ang pagbisita ng pangulo sa jordan noong 2018.

Subalit, giit naman ng pangulo, ayaw niyang gamitin ang mga helicopter na ito sa pag-atake sa mga kapwa niya pilipino.

Tags: , ,