Pangulong Duterte, bibisita sa Vietnam, Japan at China ngayong taon

by Radyo La Verdad | September 23, 2016 (Friday) | 1247

victor_pres-duterte
Mula September 28 hanggang 29, bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa Presidential Communications Office, layon ng pagbisita na paigtingin ang bilateral economic trade sa ibang ASEAN member countries tulad ng Vietnam.

Maaari ding mapag-usapan ang isyu ng maritime dispute sa South China Sea dahil isa ring claimant country ang Vietnam.

Samantala, sa Oktubre naman ay inaasahan din ang pagtungo ni Pangulong Duterte sa Japan.

Posibleng makasama ng pangulo sa kaniyang pagbisita roon ang isang grupo ng business delegation.

Ayon sa Department of Trade and Industry, magandang pagkakataon ito upang paigtingin ang trading activities ng dalawang bansa.

Una nang inimbitahan ni Japan Prime Minister Shinzo Abe si Pangulong Duterte nang magkita ang mga ito sa ASEAN Summit sa Laos kamakailan.

Bago naman matapos ang taon ay posible ring magtungo sa China si Pangulong Duterte.

Naipahayag na ng pangulo ang kagustuhan nitong makipagpulong sa China upang igiit ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,