Pang. Duterte, balak magpahinga ng 1-Linggo pagkatapos dumalo sa ASEAN Summit – Sen. Bong Go

by Erika Endraca | October 25, 2019 (Friday) | 11455
PHOTO: Presidential Communications

METRO MANILA, Philippines – Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 35th ASEAN Summit na gaganapin sa Bangkok, Thailand mula November 2 hanggang November 4.

Pero pagkatapos dumalo sa naturang pulong ng ASEAN Leaders balak naman ng Punong Ehekutibo na magpahinga ng 1-Linggo ayon sa kaniyang dating top aide na si Senator Bong Go.

Ito ay dahil sa nararamdamang pananakit ng lower back ng Pangulo na ayon kay Senator Go ay bunga ng severe lumbar muscle spasm. Gayunman, nilinaw ni go na hindi magle-leave of absence ang Punong Ehekutibo at tuloy ang paper works nito.

“One week po ang gustong pahinga ng ating mahal na Pangulo para naman po gumaling yung sakit na nararamdaman niya sa likod niya po dahil sa pagkadisgrasya po sa motor. (saan po siya magpapahinga?) Sa davao lang po, sa maliit na bahay niya. Mas makakapahinga po siya dun, mas nakakatulog po siya duon” ani Senator Bong Go.

Samantala, inaasahan din na dadalo ang Pangulo sa APEC Leaders Summit na gaganapin sa Santiago, Chile mula November 16 hanggang17.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,