Pangulong Benigno Aquino III, pinangunahan ang paglulunsad ng Listong Pamayanan at Listong Pamilyang Pilipino na paghahanda sa mga darating na kalamidad

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 1872

LESLIE_LISTO
Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng Listong Pamayanan at Listong Pamilyang Pilipino sa ilalim ng programang Operation Listo ng DILG sa Clark, Pampanga.

Ito ay may temang Tamang Paghahanda, Tamang Aksyon!

Layunin nito na maging listo o handa ang mga komunidad hanggang sa lebel ng pamilya sa tuwing may dumarating na mga kalamidad.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng gobyerno, dilg kabilang ang DSWD para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ito rin ay upang maiparating sa bawa’t komunidad at pamilya ang mga nararapat na paghahandang gagawin sa panahon ng kalamidad, habang at pagkatapos nito.

Highlight din ng programa ang ay pagtuturn over ng DILG at DSWD ng emergency balde or e-balde na naglalaman ng mga mahahalagang bagay na kakailanganin ng bawat pamilya sa panahon ng kalamidad.

Sa taon ding ito, isasagawa ang community simulation drills for tsunami at ang community based disaster risk reduction and management.

Matatandaang inilunsad ng DILG ang Operation Listo taong 2014 upang maging isa at standardized ang paggalaw ng mga alkalde kung papaano ang nararapat na paghahanda at aksyon bago, sa panahon nito at pagkatapos ng kalamidad.

Matapos nito ay nagtungo naman ang pangulo para sa isang pagpupulong sa mga political leaders sa Fontana Convention Center Clark Pampanga.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,